martes, septiembre 26, 2006

tatlumput' limang linya ko.

.sabado ng gabi.092306.

nakakainis na gabi.

mapapanis nalang ba laway ko

di na ba ko kikibo?

nakakarinig ako ng tunog mula sa gitara

ngunit tila ako'y walang kasama

nabibingi na rin siguro ang aking taenga

tila ako'y nasa kawalan

nagiisa, nagdurusa, kumikirot ang ulo

nakikinig sa musika ng gitarang multo yata'ng kumakapa

pati mata ko'y naaapektohan

nais nalang magbulagbulagan

ayaw kayong makita, lalo lang 'kong naiinis

wala kayong mga kwenta

nais nyo bang ganito nalang lagi

pwes bahala kayo. naririndi na ko.

parati ba dapat kayo ang iniintindi?

ewan ko sa inyo

di na nga ata kayo magbabago

o sige panindigan nyo

panindigan nio pagiging manhid nyo

banas. mahiyain kuno.

nagpapahirapan lang tayo

pagnasa mood kami, wasted kayo

pagnakikisama na kayo, nababanas na kami

kaylangan nalang bang laging ganito?

manhid ba tayo parepareho?

isa.

isang luha mula sa mga mata ko na ang tumulo

kaninong mga mata naman kaya ang susunod?

kailangan ba laging may mag-drama?

na nababanas na siya sa grupo?

kailangan ba, para mapansin ng lahat na ganun nga?

nakakabanas na talaga.

naaasar na ko.

badtrip.

1 comentario:

Selah dijo...

May kinaiinisan din ako now. Ewan ko ba. Basta. Ewan ko. Haay.. Nice 35 lines.