miércoles, septiembre 20, 2006

090806

090806
marahil ay magugulat kayo sa sasabihin ko, na...uhm...na...haaah...isa sa mga kabarkada ko ay "may pagtingin" sa isa sa mga matatalik kong kaibigan...ako rin mismo ay nagulat, ngunit may halong tuwa ang reaksyon ko sa pangyayaring ito. marahil ay nababago na siya...tama...nagbabago na...nagbabago na si jireh...ang dating tahimik at di palakibong lalaki na minsan ko nang kinainisan...ngayon ay nag-evolve na...ewan ko kung paano. pero siguro ay tumulong ang panahon sa paglubog sa isang katauhan na ibang iba sa aming kinagisnan. tumulong ang panahon upang maimulat ang mga mata ng isang batang hindi mo aakalaing magpapahayag ng sariling damdamin sa isang taong dating na wi-weirduhan sa kanya.

"panahon, makapangyarihan..."

grabe, ang lakas ng powers ng "time"...nagpapabago, nagpapainip, nang-aasar,naninira, nagpapabuklod, nagpapakilala kung sino ka talaga. ito nga siguro ang nagpabago sa paningin ni dora at ni jireh. nagpakilala sa pagkakaibigan sa kabila ng iasng alitang naghhiwalay sa dalawang grupo na minsa'y naging isa. siguro ay simula na ito ng pagkakabuklod muli ng aming grupo.

"hindi ko alam kung totoo nga ito pero natutuwa ako sa kanila"
wala naman akong magagawa, hindi rin naman ako magagalit, parasaan pa ba ang paghadlang... kung sila naman ang inloved sa sitwasyon na ito,
na-eelibs ako... natutuwa ako...boto ako...tama...boto ako...

orihinal na isinulat ni:
Nicole Theresa Dominique Abad Somebang

1 comentario:

Martine Belard dijo...

toodoinks! andaming typo....may isa pa ata akong wrong grammar..in love yun...inde inloved....wahahaha...part one palang yan...yaan mo...pag tinopak ako ulet...yung part two na...wahaahah...